what a week!
una, bumabagyo. nataon pang monthend peak namin sa controlling. sabay dating nito ni jayson at nagyayayang lumabas after work
wahhhh kapagod
and it wouldn't end tonight. meron pa bukas ulit
been working overtime since the month ended. syempre gawaan ng financial reports and all that jazz. busy rin kasi at the bank because of a new system which they are implementing and planning to roll out before the year ends.
wawa naman ung nanay ella ko, ung supervisor ko dito. she still can't walk. her foot has been bothering for the past month. dati numb lang sya, kaya pa nya ilakad. but now, swollen na daw. nag work from home sya yesterday and today, but i think she'll be on leave tomorrow.
syempre, i can't do all the work on my own, so tawag ako ng tawag sa kanya. nagkakataon lagi may call waiting tapos un pala si kaori (another girl we work with. tatlo kami sa team nya, 2 local saka ako. anyway, i think overworked si ella. before naman nagnumb ung right hand nya, kakagamit cguro ng mouse? sabi daw ng doctor nya baka mahina na ung immune system nya. stress? dyoskopong pineapple! ayoko matulad sa kanya.
lagi ako pinapatawag ni ella sa isang indian na nasa singapore. medyo nahihirapan lang ako intindihin sya. di ko naman makulit din ng todo eh kasi asst vice pres na un eh! pareho sila ni ella. tapos kahapon naman tumawag ako sa taga-london. kasi ilang araw ko na hinihintay ung file nya at nagfollow up na rin ako. pero weird. brit na ung kausap ko nahirapan pa ko intindihin. feeling ko ibang language sinasabi nya. pero wala naman sya masyadong accent. cguro inaantok lang ako nun. 9 pm na kasi un kagabi.
sarap sipain nung brit na un. feeling ko nakalimutan lang nya i-send out ung file. sabi ko, "have you sent out the accrual schedule?" sagot nya, "no" sabay tawa. may ganon? e di tinanong ko kung kelan nya balak isend. sagot ba naman, "i could send it to you now if you like." isip isip ko, tatanungin ko ba kung di ko pa sya kelangan? sabi ko na lang, "pls". at ang reply, "ok, cool". in fairness, cute ang boses kahit medyo di ko maintindihan. papahanap ko nga sya sa teammate ko na nasa london.
yesterday, natulog ako sa ritz carlton sa central. naghahanap kasi ng kasama itong si jayson. i think he's feeling homesick already. he would only be staying for a week. now, before your imagination starts working, i would have to clarify that jayson is gay. as in mas magaling pa sya mag-spot ng gwapo kesa sakin. honestly. may mga the moves pa na kunwari accidentally bumping into a cute guy pero sadya naman. and ung mga pasimpleng pagtingin tingin sa mga gwapong chinese. hmm.... i could learn a thing or two from this guy hehe. anyway we just ate chips and watched tv. and smoked hehe
kanina naman i got off early. so we went to mongkok. we had dinner sa langham place. there's this place called pepper lunch (? not sure). they serve their food raw on these sizzling plates that they said are patented in japan. asteeeeg! you get to cook your steak on the plates. but you have to hurry. kasi in a few minutes mawawala na ung sizzle ng pan so your food might end up cooked on one side but raw on the other. the price is a bit steep, $78 for a meal, but i have never enjoyed a fast food meal that much before!
nakabili na ko ng mga malalaking pamaypay para sa nanay ko. trenta lahat. bebenta nya sa mga kalaro nya sa bowling. naiinggit kasi ung mga amiga nya nung dinalhan sya ni papa dati ng pamaypay from one of his business trips here in hk. now that i'm here, sakin sya nagpapabili. sarap lang makipagtawaran haha. ung isang stall binebenta sakin ng $45 each. sabi ko sa kabila $20 lang. ayaw pa rin. taray nga eh. sa ibang stall ako bumili. $500 for 30 fans, mga $17 lang isa haha
bukas naman plano ni jayson na di na matulog. 8 am on sat kasi flight nya. so maaga sya kelangan magising. eh di wala na lang tulugan. gigimik na lng kami
may EB rin ata ang PHK on sat. basta sat nyt pwede ako. nakatulog na naman ako nun hehe
ano pa ba? la na ko masabi. antok na rin ako eh. byeeeee!