<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5531272014075316331?origin\x3dhttp://nerdypunkprincess.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> Nerdy Punk Princess
Sunday, August 5, 2007
Mga Kwento ni Marian - originally posted Sept 22, 2003 (blurty) 3:14 PM

September 22, 2003

Bilang tanda ng kauna-unahang pagsulat ko dito sa Blurty, sisikapin kong magsulat lamang sa wikang Filipino. Kung meron man kayong angal sa mali kong pagsusulat, nakikiusap akong sarilinin ninyo na lamang dahil problema nyo na yon, at wala na ko don. Pawang ang mga isusulat ko dito sa Blurty na ito ay mga opinyon ko lamang at wala nang aangal pa dahil bawat tayo’y may karapatang ilahad ang ating mga saloobin. Marapat lamang na kung may matamaan o may masaktan o kung ano man ang inyong maramdaman eh sabihin ninyo at ating reresolbahin kung ano man ang ating pagkakaiba. Ako naman po ay bukas sa inyong mga opinyon at saloobin, ika nga.

Nakapagsimula na nga at baka makornihan pa ang ibang tao sa kin.

Wala namang magandang nangyari sa akin ngayong araw na ito. Walang partikular na pangyayari na magiging parte ng ala-ala ninuman.

Sa sobrang wala akong magawa kanina ay binasa ko ulit ang isa mga paborito kong aklat, ang Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?.
Iminumungkahi kong basahin ninyo ang librong ito. Nabasa nyo na ba ang, A B N K K B S N P LA Ko? Ang Bakit Baligtad ay ang pangalawang aklat ng sumulat ng A B.

Sa unang tingin pa lamang ay makikita mo nang espesyal ang aklat na ito. At bakit ko naman nasabi yon? Kasi kober (shit, ano ba ang tagalog ng cover?) pa lang ng libro ay kakaiba na talaga. San ka ba naman nakakita na baligtad nga ang kober ng libro? Nakakatuwa kasi pag-alis ko pa lang ng plastic ng libro eh namangha na talaga ako. Iisipin ng mga taong makakakita sayong nagbabasa nun eh medyo bobs ka kasi baligtad kang magbasa.

Masaya ito basahin at hindi nakakabagot. May ilang parte nga lang na medyo hindi ako makapag-ugnay (maka-relate?) sa awtor. Meron kasi ditong parte na kung saan malalaman mo kung Martial Law baby ka. Sa mga hindi nakaka-gets (oi, expression yan ah!) ito yung pinanganak nung Martial Law (obvious ba?) Hindi ko naman alam yung mga pinagsasabi ni Bob Ong (yung sumulat) sapagkat, hello? Hindi naman ako pinanganak nung mga panahong iyon noh???!!! Meron pa yung mga palabas sa telebisyon nung panahon pa ni kopong-kopong. Pinabasa ko na lang sa nanay ko, ayun, siya yung tawa ng tawa kasi naaalala niya yung kapanahunan niya. Pero hindi ko rin ipinagkakaila na may alam din ako sa mga palabas sa TB (telebisyon, hehe) kasi mahilig akong manood noon ng mga lumang palabas. Sino ba sa mga kaidad ko ang alam ung Manok ni San Pedro at Gulong ng Palad? O yung Flordelisa, Analuna, o Ula ang Batang Gubat? Sigurado yung mga nakakaalam nun hindi pa nila aaminin at mapaghahalataang jologs o baduy. Oo na, jologs na kung jologs!

Maalala ko, nung bata pa ko lagi kaming nakikinig noon ng Ang Gabi ng Lagim. Sana meron pang may alam nito para may kakwentuhan ako. Ito ay isang palabas sa radyo, mga alas-otso ng gabi sa DZRH (o ha, naalala ko pa!) . Sobrang takot na takot ako nun, lalo na nung mga panahong gabi-gabi eh nawawalan ng kuryente dahil sa lecheng Meralco. Siyempre madilim nun kasi walang ilaw tapos nakikinig pa kami nung nakakatakot na programa sa radyo. Lalo na kung ang kwento ay tungkol sa multo, o kung talagang minamalas, tiyanak. Kaya ata ako nagkaphobia dati sa troll (yung nabibili sa Gift Gate ah) kasi nakakaalala ako ng tiyanak (pero ngayon hindi na).

Tapos hihirit pa ung kasama namin sa bahay na may nakita daw siyang puting babae sa kwarto namin isang gabi. Siyempre bata pa ko nun kaya sobrang takot na takot ako. Pero tuloy pa rin ang pakikinig kahit nakakatakot. Uso naman sa ating mga Pilipino ung manood o makinig ng nakakatakot na kwento kahit nanginginig na tayo sa takot. Siyempre kunwari hindi ka takot, pero sa loob-loob mo aatakihin ka na sa puso. Siguro gusto mo lang subukan ang tapang mo.

Grabe, ang layo na nang mga kwento ko. Sa susunod, itutuloy ko na ang mga kwento ko. Hanggang sa muli, paalam!!!

Intro.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
morian. marian. maria concepcion. maricon. mars. con-con. connie. mel. melgy. melgs. concha. mar-mar. morr. mormor. more international cigarette. ate. achi. doo-doo. chichi mayan. uryviel. maya.

chubby. nearsighted with astigmatism. shares bday with mama mary. allergic to seafood.

NAVIGATE
- Other Links
- More about Me
- Miscellaneous
- Back 2 Blog

TAGBOARD

Links
Marian's Multiply Site
Friendster
PHK
The Ultimate Harry Potter Site

Archives
> August 2007
> October 2007
> November 2007
> June 2008
> July 2008

CREDITS
Image: my friend Earl (thanks dude!)
Image edits & Layout: Ms.Juicy