ok so this one is the welcome post
i just realized that i haven't been updating any blog for more than a year now. so the first thing i did was move my old journal entries in this blog... for my sake and yours
a friend from PHK encouraged us to blog so here i am reincarnating my desire to blog after a year-long hiatus.
i actually got this skin from blogskins.com. i don't have the time to do my own template. but i modified it a little. this was supposed to be a green day inspired blog but i changed the picture at the top. i love green day but i'm not that fanatic. i also changed the fonts, the links (which were all green day), the sizes of the frames, and the headings. ok, so i modified it a lot. i learned quite a lot of html along the way.
the wallpaper on the top of the page was made for me by my friend earl (thanks a lot, dude!) i asked him to change the font and he said he will, but i can't wait to use it so there it is. oh yeah, he might kill me for toning down the color. i can't upload the pic in photobucket coz it's too big. so i toned down the color. still looks good anyway. sorry man.
anyway
a lot of things had happened since my last journal entry, which was made april last year. heck, i wasn't even a cpa then.
let's see. what could be worth telling in this journal?
i won't divulge much but here goes:
(taglish mode... para mas may personality)
1. may 2006
i took and passed the board exams. pag may nagtanong sa kin kung kamusta ang exams ang sinasagot ko, "madali lang". tapos syempre sasabihin nung nagtanong ang yabang ko. pero sa totoo lang madali talaga ang cpa board exams. it all comes down to whether you have studied the items that came out. kung minamalas ka naman, kung ano ung di mo naaral na part un pa ang lalabas sa exam eh di good luck na lang. so mabuti pang aralin na ung buong libro kesa masawi ka pa.
ang masaklap doon ay kinabukasan pinapasok na ko sa work. akalain mo un, wala man lang ako pahinga. so there i was, wearing my best business attire wanting to make a good impression. kinahapunan nakakuha ako ng tawag kay jigs at buong kagalakan nyang sinabi na nakapasa kaming dalawa. kulang na lang magtatalon ako sa office sa tuwa ko.
umuwi ako agad. tapos syempre tuwang tuwa magulang ko. punta kami tuloy ng cpar. gusto kasi makita ng mama ko ung mismong pangalan ko sa listahan ng nakapasa. while on the way to cpar, i received a call from the hr person of isla lipana (auditing firm sya, hindi resort), congratulating me and asking me for an interview. sabi ko i already accepted an offer from a bank, but if ever i think of changing careers and going into audit, i would definitely consider a career in their firm (o ha! hindi talaga rejection un!)
pagdating namin ng cpar andun ung mga classmates ko from dlsu. nagpakain si paul dahil number 1 sya. gf nya number 7. san ka pa? kamusta naman magiging anak nila? sasabog na un sa katalinuhan. nga pala, chinese sila pareho. matatalino talaga mga chinese.
i didn't stay long. i just remembered how hard it is not to show that i was really happy upon seeing my name in the passing list when there are rejected students crying everywhere. i mean, tinuro ko lang sa mama ko ang name ko tapos pinicturan nya, then umalis na kami. tahimik lang. narealize ko nung tumawag si jigs medyo pigil ang tuwa nya (pero di pa rin nya talaga napigil) kasi nga maraming nagiiiyak sa tabi nya.
2. june 2006
umattend ako ng testimonial dinner for new cpas sa dlsu. that was the last time i set foot on that place. i haven't been back to dlsu for a year now. kakamiss.
nag-oath taking din pala kmi nung june 23 (o ha, naalala ko pa exact date! joke lang, kinuha ko ung date sa friendster ko bwahahahaha). nakita ko tuloy ung picture ko nung oath taking na un, ang taba taba ko. eto ilalagay ko ung pic
ang taba ko noh? from left to right: dianne, marian, jigs, menen, melody. kami na lang sa block ang nakagrad on time. ay, pati pala si cho cha, este, chester pala (why cho cha? he's chinese and one time we heard him saying something in fookien. it sounds like: "cho cha cho cha cho cha cho". i'm not kidding) anyway, kung san sang dako na ko napunta.
basta un, after oath taking punta kmi manila pavilion for cpar dinner. then greenbelt 3 to reminisce on our review days in our fave hang out - coffee bean and tea leaf. syempre picture picture. wala nga lang ako kopya ng mga pics nung gabing un.
so late na ko umuwi nun day ng oath taking. pero gumising din ako ng maaga. dahil teambuilding naman ng domain namin. puyat puyat pa ko. tapos nag-ayos ako ng gamit habang tulog ung mga kapatid ko saka ung pinsan kong si herson. ayun, sa sahig natulog ung baklang pinsan ko kaya matapak tapakan ko sya.
masaya ung teambuilding din. here's a pic
kung malabo eh problema nyo na yan. nasa friendster ko naman yan eh. ang taba ko pala talaga bwahahahahaha
3. july 2006
mukhang walang nangyaring nakakatuwa nito
4. aug 2006.
i made the biggest mistake (so far) of my young life. enough said.
5. sept 2006
nung bday namin ni sheryl (officemate ko, ung katabi ko dun sa teambuilding pic na may hawak na pamaypay) nagpakain ang teammates namin. celebration na rin for all teammates na bday ay sept. ayos, nakatipid kmi ni she sa libre.
sept din ata nung bumagyo. si milenyo. nasa office na ko nung kasagsagan ng bagyo. di na kmi pinauwi ng director. pinakain na lang kmi dun at sinundo ako ni papa nung nagbukas na ulit ang skyway matapos dumaan ng bagyo. naalala ko tumumba ung puno sa tinitirhan nina lola at matagal brownout.
6. oct 2006
milenyo party. nagpaparty ang mga bossing as thanks for all the people who braved the storm just to make it to the office and deliver their reports on time. conti's ang caterer. ayos. sarap ng food.may token pa kami - payong
7. nov 2006
eto ung nagpunta ang recs team sa punta fuego sa batangas. nagkaayaan lang. dun kami sa vacation house ng uncle ni anne (ung manager ng team). beach. syempre nangitim ako. kaming mga taga-south - jake, jezer, sibs, myro, and me - ang magkakasama sa van ni sibs with her driver, kuya ricky. may narealize ako. pwede rin pala maging madaldal ng mga lalake. kaya di ako nakatulog pauwi. napapakinig ako sa kwentuhan nila. buti pa si sibs nakatulog.
8. dec 2006
christmas party. dito ako nanamit as a punkista. nagkataong sa shangri-la din party nina papa at pinuntahan ko sya. nawindang sila sa suot ko. sabi ko costume lang to bwahahahahaha
9. jan 2007
wala. corny ng new year
10. feb 2007
eto ung nagpunta kami ng clark pampanga with an aussie named jehad na bisita nina papa milton. he said he had a great time with us, coz aussies rarely go out with their colleagues, and here we are very comfortable with each other's company. nga pala, i think he was traumatized by what happened when he was about to go home.
we set out to clark on friday night. before that pala, nagred box pa kami then bumalik na lang kami ni sibs sa office. hinintay pa kasi namin matapos ung mga nagsusupport ng london - their shift was 2-11 pm. nakaalis kami 1 am na. ung isang team lead nga nakapaginuman na with his friends. sinadya daw nyang di magdala ng sasakyan. kaya ayun. tulog sa byahe.
we gave jehad his own room. medyo malaki syang mama so sakto lang sa kanya ung bed samantalang lima kaming girls kasya sa isang bed.
ayun tour tour. uuwi si jehad ng saturday night. kaya lang, akalain ba naming masisirain sa nlex ung sundo nya? at hindi marunong magenglish ung driver? natrauma ata si jehad. dinala sya sa police outpost kung saan wala rin marunong magenglish ng maayos. kakahiya. buti na lng natawagan ni jehad sina milts. sinundo sya. sunday morning na rin nakauwi si jehad.
eto pala pic
wala na si jehad nyan. nakaalis na.
11. mar 2007
aha. isis bowling night sa sm megamall. kahit ang bano ko sa bowling sumali pa rin ako. kasi alam kong nalalapit na ang pag-alis ko papuntang hk so sumama na ko. di ko akalaing last ko na pagsama na to sa team in a long while
eto pic
from left to right: nic, sibs, leigh, marian, jason
that reminds me. resigned na pala ung si jason. umalis sya nung nandito na ko hk.
at yun! wala na masyadong nangyari sa kin after that
i came here in hk last april 1. i would do a separate entry on hk life, ayt?
see ya again soon!